Mga naliligo sa dagat ngayong tag- init pinaalalahanan ng BFAR na mag ingat sa jellyfish sting

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga naliligo sa dagat ngayong summer na mag ingat sa jellyfish  lalo na yaung mahaba ang sting na itinuturing umanong poisonous.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam na sa ngayon ay minimal pa naman ang appearance ng jellyfish dahil na rin sa mga nararanasang pag- ulan.

Pero inaasahang mas dadami ito sa mga sususnod na araw habang papatindi nang papatindi ang init.

Dito sa Pilipinas itinuturing ang mga buwan ng Abril at Mayo bilang “jellyfish season.”

Ayon kay Tiam para masigurong ligtas sa jellyfish ay siguruhing maligo sa loob lang ng net.

Sa ngayon kasi ay naglagay na ng net ang ilang mga resort partikular sa bayan ng Mercedes bilang pag- iingat.

Paalala ni Tiam sa mga naliligo sa dagat lalo na ang may mga kasamang bata na huwag alisin ang tingin sa kanila.

May mga pagkakataon daw kasi na kapag nasa beach na ay nalilimutan minsan ng mga matatanda ang kanilang mga kasamang bata lalo na kapag mayroong mga activity.

Isa sa pinakadelikadong uri ng dikya ay ang tinatawag na “cuatro cantos” o box jellyfish.

Maaari itong magpakawala ng selulang “nematocysts” na naglalaman ng lasong maaaring makaparalisa sa puso at nervous system ng biktima.

Ayon kay Tiam isa sa pwedeng gawin bilang pangunang lunas kapag nadali ng jellyfish ay suka.

Ang highly poisonous umanong uri ng jellyfish ay mahaba ang sting na umaabot ng isang metro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *