Mahigit 30 pamilya na binaha sa Koronadal nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng Brigadahan 1 Tahanan

KORONADAL CITY- LABIS-LABIS ang pasasalamat ng mahigit 30 mga pamilya na biktima ng baha at landslide sa Barangay San Jose, Koronadal City sa mga tulong na kanilang natanggap mula sa taong bayan at tagapakinig ng Brigada News FM Koronadal sa ilalim ng Brigadahan 1 Tahanan.

Kabilang sa kanilang natanggap ang tubig, bigas, groceries, used clothing’s, unan, kumot, sapin sa paa at mga laruan para sa mga bata.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Rosemary Montebano, isa sa lubhang na apektuhan ng nasabing kalamidad, labis ang pasasalamat nito sa Brigada at sa taong bayan na tumulong sa kanila lalo na sa mga underwear na ibinigay sa kanila na ayon mismo sa kanya nakakahiya umano ngunit wala ang mga ito magawa dahil sa kanilang sitwasyon.

Ayon naman kay Conie San Miguel, ng Upper Kadidang ng nasabing Barangay, hindi umano nila inaasahan na maraming taong tutulung sa kanila matapos na mawalan ang mga ito ng bahay at mga kagamitan dahil tinangay nga tubig baha.

Sa ngayon apat na araw ng nanatili sa Regional Evacuation Center ang mahigit 15 mga pamilya na apektado ng baha at landslide sa nasabing barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *