OLONGAPO-Naniniwala ang mga pulis na miyembro ng iisang grupo ang mga shoplifter na umaatake ngayon sa Olongapo.
Ito ay makaraang mahuli ang ilan sa mga ito na sinubukang magnakaw ng mga goods sa isang malaking mall sa lungsod.
Ayon kay City Investigation Unit Asst Unit Chief Plt.Tyrone Tecson,hinahanap pa ng mga pulis ang iba pang miyembro ng grupo na binubuo ng anim na indibidwal mula Benguet Province at tumawid ng Olongapo para magnakaw.
Matatandaan,mula Enero hanggang ngayon ay may mga insidente ng shoplifting at ang kadalasang target ng mga suspek ay powdered milk o mga gatas na bukod sa madaling itago ay madali ring ibenta.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO