Delta variant maaring maging dominant sa resurgence ng COVID-19 sa US – Experts

Nagbabala ang ilang health experts na maaaring maging dominant ang Delta variant sa posibleng resurgence ng COVID-19 sa America.

Sinabi ni Dr. Peter Hotez, Dean ng National School of Tropical Medicine sa Baylor College of Medicine na ang Delta ang pinakamabilis na kumalat sa lahat ng variant.

Ayon kay Hotez, nakita nila ang nangyari sa UK kaya nababahala silang puwedeng mangyari din ito sa US.

Una nang lumaganap sa United Kingdom ang Delta variant kung saan nalampasan na nito ang Alpha variant noong nakaraang taon.

Base sa mga datus, nasa 20.6% ng mga isolates ang natukoy na Delta variant kung saan pinangangambahang mag-doble ang bilang sa bawat dalawang linggo.

Samantala, kabilang din sa ikinababahala ng mga experts sa America ang mga hindi nabakunahang tao dahil sa bilis ng pagkakahawa sa Delta variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *