Istratehiya ng pamahalaan laban sa Delta variant, mananatili – Malacañang

Mananatili umano ang mga istratehiyang ginagawa ng pamahalaan laban sa banta ng Delta variant ng covid-19 sa bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kasabay ng muling pag-papaalala sa publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols.

Ayon sa tagapagsalita, kahit ano pang variant ng covid-19 ang makapasok sa bansa, handa ang gobyerno na tugunan ito.

Muli ring binanggit ng kalihim na ugaliin ang pagsunod sa minimum health standards at ang paghuhugas ng kamay lalo na ang mga hindi pa bakunadong indibidwal.

Sinabi naman ni Sec. Roque na kahit pa bakunado na laban sa covid-19, hindi pa rin pwedeng makampante at ugaliin pa rin ang pagsusuot ng facemask.

Mababatid na iniulat kamakailan ng Department of Health na umabot na sa 17 ang mga kaso ng Delta variant sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *