Black Hawk helicopters ng PAF grounded muna matapos ang aksidente sa Tarlac

Kinumpirma ng Philippine Airforce na isang bagong S-70i Black Hawk Utility Helicopter ang bumagsak ilang milya mula sa Col. Rabina Airbase sa Capas Tarlac.

Sa inilabas na pahayag ng PAF, nagpapatuloy pa umano hangang sa ngayon ang search, retrieval at recovery efforts para mahanap naturang helicopter pati na ang mga lulan nito.

Sinabi din ng Airforce na wala pang nahahanap na survivors sa naturang insidente.

Tumanggi munang pangalanan ng PAF ang pagkakakilalan ng mga sakay ng helicopter hanga’t hindi pa na-aabisuhan ang pamilya ng mga ito.

Tiniyak din ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas na agad silang magsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa naturang trahedya.

Sa ngayon wala munang Black hawks helicopter ang pinayagang makalipad hanga’t hindi pa nagkakaroon ng opisyal na pagsisiyasat sa nangyaring insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *