28 anyos na lalaki nasawi matapos sumalpok sa konkretong bakod ang motorsiklong minamaneho nito

CAMARINES NORTE- Isang 28-anyos na lalaki ang patay matapos sumalpok sa kongkretong bakod ang sinasakyan nitong motorsiklo nitong martes bandang alas 11:00 ng gabi sa Brgy. Iberica, Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Jason Bacurin y Abogado, 28 anyos, isang kolektor ng isang lending institution at residente ng P-1 Brgy. San Nicolas, Talisay, Camarines Norte.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay dumalo sa isang birthday party sa Pulang Daga Resort sa bayan ng Paracale kung saan sya ay pinagsabihan ng kanyang asawa na manatili na lamang sa nasabing lugar kesa umuwi sa kanilang tahanan ngunit nagpumilit umano itong umuwi gamit ang kanyang motorsiklo.

Bilang resulta, habang binabagtas nya ang nasabing lugar ng aksidente, bigla umano itong nawalan ng kontrol sa pagmamaneho at aksidenteng sumalpok sa isang sementadong bakod sa gilid ng daan.

Dahil sa aksidente, ang gamit nitong helmet ay nasira at ang biktima ay nagtamo ng matinding pinsala sa kanyang ulo at katawan na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Ang biktima ay isinailalim sa post mortem examination upang matukoy ang eksaktong dahilan ng pagkamatay nito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *