2, 578 indibidwal na hindi dapat nakatanggap ng P5, 000 mula sa SAP, natukoy na ng Commission on Audit

Umaabot sa 2, 578 inbidwal ang natukoy ngayon ng Commission on Audit (COA) na hindi dapat nakatanggap ng P5,000 mula sa Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Remy Beltran Asst. CSWD Officer sa Puerto Princesa City, ang mga ito ay napag-alaman ng COA na napapabilang sa mga hindi dapat nakatanggap ng nasabing ayuda dahil sila ay nag-iisang namumuhay taliwas sa sinasabi sa guidelines na para sa miyembro lamang ng isang pamilya.

Kasama rin ang mga ito sa tinatawag na double payment maaring nakatanggap na sila sa kanilang barangay at nakakuha pa sa ibang barangay ng P5, 000.

Pasok din sila sa multiple payment pwedeng nakatanggap na ng tulong pinansyal sa barangay, nakatanggap muli sa ibang lugar at tumanggap parin ng SAP mula sa ibang munsipyo.

Ang mahigit dalawang libong indibidwal na ito ay asahang makakatanggap ng sulat mula sa Commission on Audit na pinapayuhang dapat ibalik ang halagang natanggap  sa Treasurer’s Office. Paliwanag ni Beltran Asst. CSWD, ang kanilang tanggapan lamang ang maghahatid ng sulat na ipinadala ng COA. Binigyang –diin nito na sana naging tapat lamang ang mga hindi benepisyaryo ngunit nakakuha ng ayuda nang sa ganun ay naiwasan ang ganitong problema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *