Net worth ni Rhianna, pumalo na sa mahigit $1.7-billion

Pumalo na sa mahigit $1.7-billion ang net worth ng pop star na si Rhianna, na dahilan upang makonsidera ito ngayon bilang richest female musician sa buong mundo base sa ulat ng Forbes magazine.

Gayunman, ipinunto ng magazine na hindi ang musika ang pangunahing source ng yaman ni Rihanna.

Ipinunto sa ulat na nakuha ng Barbados-born singer, na may tunay na pangalan na Robyn Fenty, na ang tinatayang nasa $1.4-billion ng yaman nito ay mula sa kaniyang 50% share mula sa isang cosmetics line.

Iginiit din sa ulat na nanggaling ang yaman ni Rihanna mula sa kaniyang share sa isang lingerie company, at sa income nito bilang singer at actress.

Sa ngayon ay pumapangalawa ang singer ng “Umbrella” at “Love the Way You Lie” sa listahan ng pinakamaymang female entertainer kung saan ay nasa unang pwesto si Oprah.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *