Pakistan, matatanggap na ang mahigit 1-million doses ng bakuna na binili nito mula sa Sinopharm at CanSino

Matatanggap na ng Pakistan ang mahigit 1-million doses ng Sinpharm at CanSino COVID-19 vaccines na binili nito mula sa China sa katapusan ng Marso.

Ito ang magiging unang consignment ng COVID-19 vaccines ng Pakistani government, na bumili ng bakuna mula sa iba’t-ibang manufacturers para sa 220-million nitong populasyon.

Sinabi ni Asad Umar, minister in charge sa pandemic operations ng Pakistan, na nakabili na ang kanilang bansa ng 1-million at 60,000 doses ng Sinopharm at CanSino vaccine.

Nagpapatuloy naman anya ang negosasyon ng Pakistani government sa mga parehong kompanya para sa pagbili ng karagdagang 7-million doses ng bakuna na inaasahang made-deliver sa katapusan ng Abril, ngunit hindi pa ito kumpirmado dahil sa supply issues.

Mababatid na dating umaasa lamang ang Pakistan sa mga donasyon at sa mga alokasyon ng COVAX Facility para sa mga mahihirap na bansa.

Base sa datos ng Johns Hopkins University ay nasa ika-31 pwesto ang Pakistan sa listahan ng mga bansa na may naitalang COVID-19 cases matapos nitong umabot sa 633,741.

Hindi nalalayo ang nasabing bilang mula sa 677,653 infections na naitala ng Pilipinas na nasa ika-30 pwesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *