Balesin Island Club, kinumpirma na meron itong medical program matapos itong almahan ng Department of Tourism

Kinumpirma ng isang posh resort sa Polillo, Quezon Province ang tungkol sa “anti-COVID-19 immunity treatment program” na inalmahan ng Department of Tourism.

Gayunman, hindi sinagot ng Balesin Island Club ang mga akusasyon na ginagamit nito ang nasabing medical program para abusuhin ang exemptions sa non-essential travels na ipinagbabawal sa mga lugar na nasa ilalim ng NCR Plus bubble.

Sinabi sa pahayag ng resort na ang Aegle Wellness Center ay isang extensive medical facility sa Balesin.

Ipinunto ng resort na meron mga doktor at medical personnel na staff ang wellness center na 24/7 na available.

Iginiit rin ng Balesin na ito ay COVID-free at ang “pure sea air environment” nito ay tiyak na mas ligtas kumpara sa kahit anong lugar sa Metro Manila.

Mababatid na nag-aalok ang exclusive club sa mga miyembro nito ng medical certificates para sila ay makapagpartisipa sa kanilang programa.

2 thoughts on “Balesin Island Club, kinumpirma na meron itong medical program matapos itong almahan ng Department of Tourism

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *