Lou Yanong, hindi na kinakabahan sa auditions sa tulong ng workshops kasama si Direk Rahyan

Ibinahagi ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Lou Yanong na hindi na siya kinakabahan sa tuwing sumasabak siya sa mga auditions para sa TV projects.

Ayon kay Lou, nagawa niya ito sa tulong ng mga techniques na natutunan niya mula sa kaniyang mentor na si direk Rahyan Carlos, na head ng Star Magic Artist Training and Workshops.

Iginiit niya na kabilang sa mga natutunan niya sa workshops ay ang paraan ng pag-release ng emosyon o “karga” kung tawagin.

Sinabi ito ng 24-anyos na aktres sa ginawang online media conference para sa muling pagbubukas ng klase ng Star Magic workshops.

Inihayag ni Lou na unang beses na nagdaos ng online workshop ang Star Magic noong simula pa lang ng pandemya.

Ipinunto naman ni Lou na hindi ito nalalayo sa naranasan niyang theater workshop noon kung saan ay nagagawa pa rin naman nila online ang mga bagay na pwedeng maranasan sa face-to-face set-up.

Kasabay nito ay ibinunyag ni Carlos na maaring mabigyan ng oportunidad ang mga participants na makapasok bilang second lead o background talent sa mga teleserye ng ABS-CBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *