Bicol region nagtala ng 287 na bagong kaso ng COVID-19; total cases pumalo na sa 39, 874

BICOL—Umabaot na sa 39, 874 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 287 na bagong kaso.

113 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 25 ang naitala sa Naga City, 13 sa Pili, walo sa Nabua, tigpito ang Bombon at Cabusao, anim sa Iriga City, tig-apat ang Bato at Ocampo, tigtatalo ang Baao, Bula, Calabanga, Canaman, Magarao, San Jose at Tigaon, tigdadalawa ang Lagonoy, Libmanan, Milaor, Minalabac at Pamplona at tig-iisa ang Buhi, Del Gallego, Garchitorena, Goa, Lupi, Sagñay, Sipocot at Siruma.

Ang Albay ay may 62 na bagong kaso kung saan 15 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, 12 sa Guinobatan, sampo sa Daraga, lima sa Manito, apat sa Tabaco City, tigtatlo ang Bacacay at Oas at tigdadalawa ang Camalig, Libon, Ligao City, Pio Duran at Polangui.

35 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan tig-anim ang Bulusan at Irosin, tiglima ang Bulan at Gubat, tig-apat ang Pilar at Sorsogon City at tig-iisa ang Barcelona, Casiguran, Donsol, Juban at Matnog.

31 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan 15 nito ay mula sa bayan ng Virac, pito sa San Andres, lima sa Viga, tatlo sa Pandan at isa sa Bato.

Ang Camarines Norte ay may 28 bagong kaso kung saan siyam nito ay mula sa bayan ng Daet, tig-aapat ang Labo, Talisay at Vinzons, tigtatlo ang Basud at Jose Panganiban at isa sa San Lorenzo Ruiz.

Ang Masbate ay nagtala ng 17 na mga bagong kaso kung saan tiglima nito ang Aroroy at Masbate city, tatlo sa Cataingan at tig-iisa ang Cawayan, Milagros, Palanas at Placer habang may isa namang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.

Samantala, 150 ang mga bagong gumaling kung saan 52 nito ay mula sa Sorsogon, tig-20 ang Camarines Norte, Catanduanes, Masbate at Naga City at 18 sa Camarines Sur kung kaya pumalo na sa 25,261 ang total recoveries sa COVID-19 sa rehiyon.

Pumalo na rin sa 1,176 ang death toll matapos madagdagan ng tatlong panibagong nasawi na pawang mula sa Sorsogon.

Kaugny nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundina ng BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *