Bicol region natala ng 278 na bagong kaso ng COVID-19

BICOL—Pumalo na sa 41,569 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 278 na mga bagong kaso.

90 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 37 ang naitala sa Naga City, 15 sa Calabanga, pito sa Camaligan, lima sa Canaman, tig-apat sa Iriga City at Sagñay, tatlo sa Lupi, tigdalawa ang Ocampo at Pili at tig-iisa ang Cabusao, Del Gallego, Garchitorena, Lagonoy, Libmanan, Nabua, Pamplona, Ragay, San Fernando, San Jose at Tinambac.

77 ang naitala sa Albay kung saan 19 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, tig-13 ang Guinobatan at Sto. Domingo, walo sa Camalig, anim sa Ligao City, tiglima ang Daraga at Tabaco City, tigdalawa ang Bacacay at Libon at tig-iisa ang Jovellar, Malinao, Oas at Polangui.

Ang Sorsogon ay may 38 na bagong kaso kung saan 13 nito ay mula sa Sorsogon City, pito sa Irosin, anim Bulusan, tigdadalawa ang Barcelona, Bulan at Donsol at tig-iisa ang Castilla, Matnog at Prieto Diaz.

Ang Masbate ay may 34 na bagong kaso kung saan walo nito ay mula sa Masbate City, pito sa Mandaon, lima sa Cataingan, apat sa Aroroy, tatlo sa Palanas, tigdalawa ang Balud at Claveria at tig-iisa ang Mobo, Pio V. Corpuz at Uson.

25 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan 12 nito ay mula sa bayan ng Virac, lima sa Bagamanoc, apat sa Caramoran at tig-iisa ang Bato, Pandan, San Andres at Viga.

14 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan lima nito ay mula sa Daet, tatlo sa Jose Panganiban, tigdalawa ang Paracale at San Lorenzo Ruiz at tig-isa ang Capalonga at Vinzons.

Pumalo na rin sa 1,231 ang death toll sa COVID-19 sa Bicol matapos madagdagan ng 11 bagong nasawi kung saan anim nito ay mula sa Sorsogon at lima sa Albay.

Samantala, patuloy pa ang validation ng DOH sa datus ukol sa recoveries at ilalabas na lamang ito sa mga susunod na oras.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *