DOH, nagtala ng 543 new COVID-19 infections

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 543 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang total case count nito sa 2,835,154.

Mula sa kabuoang bilang, 13,548 pa ang active cases, kung saan 1,063 ang asymptomatic, 5,545 ang mild cases, 3,898 ang moderate, 2,366 ang severe, at 676 ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa gitna nito, nasa 49,499 naman ang death toll, matapos maitala ng 113 pang mga bagong fatalities, habang 830 pang pasyente ang gumaling mula sa respiratory illness, dahilan para dumami na ang total survivors sa 2,772,107.

Una nang sinabi ng DOH na ang bansa ay nasa minimal risk case classification na para sa COVID-19, na may positivity rate na 1.80%. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *