Mambabatas, pinasasama mga athletes sa vaccination priority group

Isinusulong ni Senator Francis Tolentino na maisama ang lahat ng Filipino athletes sa listahan ng mga tao na maipa-prayuridad para sa vaccination, bago ang mga major international events.

Ginawa ni Tolentino ang pahayag matapos na ang parehong amateur at professional athletes ay nananatiling excluded sa A4 priority group sa national vaccination program, sa kabila na ang Summer Olympics sa Tokyo ay gaganapin na sa Hulyo, at ang 2021 Southeast Asian Games (SEAG) sa Hanoi, Vietnam ay ngayong taon din.

Mababatid na kabilang sa mga Tokyo-bound athletes at ang gymnast na si Carlos Yulo, weightlifter Hidilyn Diaz, pole vaulter Ernest John Obiena at boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Samantala, sinabi ni Tolentino na ang bansa ay magpapadala ng kabuoang 626 atleta para sa SEA Games sa Hanoi.

Matatandaan na noong nakaraang buwan nang maglabas ang Inter-Agency Task Force ng bago at final list ng A4 priority group, kung saan kinabibilangan ito ngayon ng mga frontline workers sa commuter transport, wet at dry markets, food service, news media, education, specific government agencies, at overseas workers. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *