Mga ilegal na kahoy nakumpiska sa bayan ng Gubat

SORSOGON CITY – Aabot sa 11 pirasong good lumber ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Brgy Rizal, Gubat, Sorsogon.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, sa pamamagitan umano ng sumbong ng impormante ay agad na nagsagawa ng anti-illegal logging operation ang Gubat Police sa pamumuno ni PMaj Jose Arnel Geronga sa Sitio Bongsaran ng nasabing barangay.

Nakumpiska dito ang 11 pirasong natistis na na ‘Atipolo’ na nagkakahalaga ng P4, 500.00.

Ayon sa isang saksi, ang kahoy umano ay pag-aari ng isang Domingo Estidola Detera naninirahan sa nasabing barangay.

Oras na mapatunayan na pagmamay-ari o may kinalaman ang nasabing tao sa mga kahoy ay maaari itong sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree No. 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.

PHOTO exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *