Julia Montes ibinahagi ang aral sa buhay na itinuro sa kanya ng yumaong si Susan Roces

Ibinahagi ng aktres na si Julia Montes ang mga itinurong aral sa buhay ng yumaong veteran actress na si Susan Roces.

Sa kanyang instagram post nakasaad ang:

“Mga magandang alala ninyo ni Sir FPJ na binabahagi ninyo bilang aral… mga kwento na ndi ko akalain bibiyayaan po ko ng pagkakataon na mapakinggan,” ayon kay Montes.

“Isa sa di ko rin po makakalimutan pag sinasabi nyong pag may bunga na ang puno ng rambutan ninyo naaalala nyo ko … at yung pagkakataong binigyan nyo po ko ng CD na may kantang ‘Greatest Love of All’ sabi ninyo sakin wag na wag kong kakalimutan ang kantang yan… ngaun lalong hinding hindi ko po yun makakalimutan,” saad pa ng aktres.

“Wag po kayong magalala lahat po ng mga turo ninyo ay di mawawala sa aking puso at patuloy na gagawin…. salamat po sa masasayang alala at magagandang aral.”

Bilang panghuli sa kanyang tribute sa namayapang aktress nakalagay dito ang:

“Mahal na mahal ka po namin … hanggang sa muli po!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *