Aabot sa 11 katao-patay, sa “gas leak” sa India

HINDI bababa sa 11 mga tao ang nasawi matapos ang nangyaring gas leak sa Ludhiana City sa Punjab State sa India.

Base sa report ng New York Times, nangyari ang insidente kahapon araw ng Linggo kung saan lahat ng mga biktima ay natagpuan malapit sa tatlong businesses sa Giaspura Industrial Area na binubuo ng dairy store, grocery store at clinic.

Batay naman sa kumpirmasyon ni Dr. Hatinder Kaur ng Ludhiana Civil Hospital, edad siyam hanggang  16 na taong gulang ang mga namatay.

Samantala, inilikas na rin ang nasa mahigit 100 mga residente na nakatira malapit sa lugar habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa pinagmulan ng gas leak.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *