Active tropical cyclone sa labas ng PAR mahigpit na binabantayan ng PAGASA

Patuloy na makaka-apekto sa lagay ng panahon ang Southwest sa western sections ng Northern at Central Luzon.

Samantala may binabantayan naman silang active tropical cyclone sa labas ng PAR na huling namataan sa 1,680 km silangan hilagang-silangan ng extreme northern Luzon.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 45 km/h malapit sa sentro

At pagbugsong aabot sa 55 km/h habang kumikilos pa-kanluran southwestward sa bilis na 20 km/h.

Ang Kanlurang Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan, Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan ay makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog bunsod ng Southwest Monsoon / ITCZ.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulogdulot ng Southwest Monsoon at Localized Thunderstorm.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *