AFP, walang nakikitang banta kasabay ng pagpanaw ng CPP founding chairman

Walang nakikitang banta at problema ang Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa Communist Party of the Philippines (CCP) kasabay ng pagpanaw ng founding chairman nitong si Jose Maria “Joma” Sison.

Ayon kay AFP acting spokesperson Colonel Medel Aguilar, sa ngayon ay wala pang nakikitang pangamba ang kanilang ahensya kaugnay sa pagkamatay ng pinuno ng CPP.

Dagdag pa rito, sinabi rin ng spokesman na ang pagkamatay ni Sison ay maaaring magdala ng kapayapaan sa bansa.

Mababatid na nimawian ng buhay si Sison matapos ang dalawang linggong pagkaka-confine sa ospital.

Pahayag naman ng Department of National Defense, “the greatest stumbling block of peace is gone.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *