Aktor-direktor Ricky Rivero pumanaw na sa edad na 51

SUMAKABILANG BUHAY na sa edad na 51 ang aktor-direktor na si Ricky Rivero nito lamang July 16, 2023.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kaniyang partner sa pamamagitan ng Facebook account ng pumanaw na aktor.

Ayon sa ulat, May 2023 nang naratay ang aktor-direktor sa Philippine Heart Center dahil sa stroke na naging sanhi ng kaniyang pagpanaw.

Taong 2015 ng unang na-confine si Ricky sa nasabing pagamutan dahil sa heart attack at sumailalim sa angioplasty procedure.

Sa ngayon, sa Loyola Mermorial Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City nakatakdang iburol ang mga labi ng aktor at paglalamayan ng apat na araw habang plano ng kaniyang mga naulila na siya ay ipa-cremate.###JONADEL GALLEGO,Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *