Alden Richards, nililigawan si Kathryn Bernardo?

Palaisipan ngayon sa mga netizens ang binitawang chika ng sikat na showbiz insider na si Ogie Diaz.

Sa pinakabagong video kasi nito, sinabi niyang nasagap niya mula sa kanyang source na nanliligaw na si Alden Richards sa aktres na si Kathryn Bernardo.

Ayon kay Ogie, kitang-kita naman daw sa mga gestures ng dalawa sa ilang mga kumalat na video ang kanilang real score.

Dagdag pa niya, tila aprub sa pamilya ni Kathryn si Alden.

Samantala, maliban sa nasabing aktor, ibinunyag din ng showbiz manager na nililigawan din ni Jericho Rosales ang sikat na aktres.

Matatandaang una nang sinabi ni Kathryn na “okay” na siya, at “healed” matapos ang naging paghihiwalay kasama ang noo’y long-time boyfriend na si Daniel Padilla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *