ALECO, planong isagawa ang member-consumers empowerment sa mga barangay sa Albay

LEGAZPI CITY – Pinaplano ngayon ng Albay Electric Cooperative (ALECO) na mag-organisa ng mga grupong magmumula sa mga member-consumers at mga lokal na pamahalaan sa nasabing lalawigan.

Layunin nitong magkaroon ng boses ang bawat miyembro na kumukunsumo ng kuryente sa lalawigan at upang maipaliwanag na rin sa kanila kung paano pinatatakbo ang isang kooperatiba.

Ayon kay ALECO Acting General Manager Wilfredo Bucsit, bahagi ng kanilang mga hakbangin ang pagkakaroon ng member-consumer owners program sa pakikipag-ugnayan sa mga barangay upang mas maipaabot sa mga miyembros-konsumidores nito ang kanilang mga responsibilidad at partisipasyon sa mga isinasagawang aktibidad.

Kaugnay nito, hiningi naman ni Bucsit ang tulong ni Albay Gov. Atty. Edcel “Grex” Lagman para mas mapadali ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalan para sa nabanggit na layunin.

Kabilang sa mga inaasahan ng kooperatiba ay ang suporta mula sa publiko lalo na sa nagpapatuloy na clearing operation at regular disconnection.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *