Alex Eala nakakuha ng wild card entry para makapaglaro sa Miami Open 2023

Nabigyan ng wild card entry ang Pinay tennis superstar Alex Eala npara makapaglaro sa Miami Open 2023 sa Hard Rock Stadium.

Ang 17-anyos na si Eala ay isa sa 22 netters na binigyan ng pagkakataong makalahok sa nasabing ATP Masters 1000 tournament at isa sa pitong players na nasa listahan ng WTA Main Draw Wild Cards.

Idaraos ang Miami Open sa Marso 19 hanggang Abril 2.

Kabilang sa mga nagkumpirma ng partisipasyon sa torneo ay sina World No. 1 Iga Swiatek, 2023 Australian Open champion Aryna Sabalenka at Coco Gauff.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *