Alice Dixson, nilinaw na dumaan siya sa proseso bago nito natanggap ang 2nd shot ng Pfizer dito sa Pilipinas

Iginiit ng aktres na si Alice Dixson na dapat ay matanggal na ang salitang “artista” o “special treatment” mula sa usapin ng pagpapabakuna kontra COVID-19.

Inihayag ito ni Alice bilang sagot niya sa mga netizen na pumupuna sa kanyang pagtanggap sa 2nd dose ng Pfizer vaccine dito sa Pilipinas kahit natanggap niya ang unang shot nito sa abroad.

Sa screenshot ni Alice sa reply nito sa isang netizen na binura niya ang pangalan ay sinabi niya na tulad ng ibang mga Pilipino ay dumaan rin siya sa proseso para matanggap ang kanyang 2nd Pfizer shot dito sa Pilipinas.

Anya, nagparehistro siya online, at pagkatapos ay ibinahagi niya pa ang link ng website na kanyang ginamit.

Sinabi rin ng aktres sa mga netizens na pumupuna sa kanyang ginawa, “Our systems serve as a guide, as a general rule; however in cases of extenuating circumstances requiring for eg. Someone to return back to their country of origin, shouldn’t our system be flexible?” Una nang sinabi ng Department of Health na hindi nila ipagkakait sa mga tao na makuha ang kanilang second dose ng bakuna dito sa Pilipinas kahit pa natanggap nila ang first dose nito sa abroad. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *