Bicol Regional Hospital and Geriatric Medical Center sa Cabusao, Camarines Sur tatanggap na rin ng mga specimen samples mula sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Tatanggap na rin ng mga specimen samples ang Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center sa Cabusao, Camarines Sur mula sa lalawigan ng Camarines Norte na magpapabilis sa paglalabas ng mga laboratory result sa COVID- 19.

Dahil dito, hindi na lamang sa Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory (BRDRL) sa lungsod ng Legazpi magpapadala ng samples ang lalawigan para sa Real- time reverse transcription polymerase chain reaction (RT- PCR) test.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na magkakaroon ng pag- uusap ngayong araw ukol dito at posibleng sa susunod na linggo ay maaari nang mag umpisang magpadala ng specimen samples ang lalawigan sa dating Bicol Sanitarium.

Aniya, kapag mas mababa pa sa 50 ang samples ay hindi na kailangang ipadala sa BRDRL sa Legazpi sa halip ay sa Cabusao na lamang maliban kung ito ay lalagpas sa naturang bilang.

Ipinaliwanag rin ni Francisco kung bakit hindi pa makapagtayo sa ngayon ng sariling testing laboratory sa lalawigan sa gitna ng mga panawagang gawin na ito dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit.

Aniya, walang pangangailangan sa ngayon dahil mayroong pa namang laboratoryong tumatanggap ng mga specimen samples bukod pa sa hindi ito praktikal.

Bagamat maganda umanong pakinggan ang mungkahi nang pagkakaroon ng sariling laboratoryo sa probinsiya ay hindi umano ito magiging sustainable dahil sa kakapusan ng human resources sa ngayon.

Would you think need pa natin na magkaroon dito, practical  question and practical answer, no di ba, hindi, kasi meron pa namang availability to accept us di ba.” ani Francisco.

“Ang sinasabi kasi natin, madaling pakinggan at masarap pakinggan na mayron tayo ditong RT- PCR Laboratory but then, sabi ko nga, kakaunti na lang po ang mga health workers natin kasi they opted to go abroad, so mayroong kaukulang health human resource ang ating laboratory kapag yan ay pinatayo, yan ang problema ko pagdating ng araw kung masu- sustain kp po ang operation every day.”

Gayunman, hindi naman umano nangangahulugan na sarado ang Provincial Government sa ganitong mungkahi pero hindi pa sa ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *