Alimangong nangagat, kinain ng isang lalaki ng buhay at hilaw sa Tsina

Ayon sa liriko ng kantang pambata na tong tong tong pakitong-kitong ang alimango sa dagat ay mahirap hulihin ‘pagkat ito’y nangangagat.

Ngunit, ito’y hindi lang hinuli subalit agad ring kinain ng buhay dahil sa ito’y nangagat.

Kamakailan, isang 39-anyos na lalaki na tinago sa pangalang Mr. Lu sa Tsina ang kinain ng buhay ang isang alimango pagkatapos umano sipitin nito ang kaniyang anak.

Makalipas ang dalawang buwan, nagkaroon ito ng matinding karamdaman sa kaniyang likod dahilan para isugod agad siya sa ospital.

Sa naging inisyal na pagsusuri ay wala umanong nakitang deperensya ang doktor sa ilang bahagi ng kaniyang katawan.

Nang tinanong si Mr. Lu ng Doktor kung may nakain ba siyang kakaiba ay itinanggi nito no’ng una.

Ngunit, maya-maya pa ay umamin ang kaniyang asawa na kumain umano ito ng hilaw at buhay na alimango.

Kaya naman agad na sinuri ng Doktor ang kaniyang dugo at napag-alaman na nainfect siya ng tatlong parasites.

Agad naman itong natugunan kaya gumaling si Mr. Lu at tiyak sa susunod ay uugaliin niya na itong lutuin kahit pa ito’y muling mangagat. |𝗪𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗟𝗜𝗦𝗔𝗬

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *