Alkalde ng Naga City, tinitimbang na ang pagtakbong Kongresista sa 2025

NAGA CITY – Malaki ang posibilidad na maaaring tumakbo para sa pagka-Congressman sa taong 2025 National at Local Elections, si Naga City Mayor Nelson Legacion.

Sa pagharap niya sa mga miyembro ng Media at sa Brigada News FM Naga, kasalukuyang humihingi siya ng reaksiyon, komento mula sa Team Naga, at nagkakaroon ng mga konsultasyon kung magrere-elect sa pagka-Alkalde lalo na’t pinag-iisipan din para sa kung ano ang ikakabuti ng lungsod.

Dagdag pa ng Alkalde, bagamat mahirap din para sa kanya na magdesisyon at  nakahanda rin naman siya, ang malinaw para sa kanya kung ano ang kailangan ng lungsod at ang mas ikaka-unlad pa, lalo na’t may mga hati ang reaksiyon sa mga nauna nang suhetsyon na ngayon ay tinitimbang pa.

Sa ikatlong distrito ng Camarines Sur, una nang sinabi ng isang kilalang negosyanteng si Nonoy Magtuto, na tatakbo sa pagka-Congressman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *