Nagliliyab na pag-iibigan, literal na itinampok ng isang bagong kasal

Marami nang nasilabasang bidyo sa social media ng iba’t ibang mga pakulo sa kasal.

Ngunit mas pinainit dahil sa literal na ipinakita ang nagliliyab na pagmamahalan ng isang bagong kasal na ginanap malapit sa Salt Lake City, Utah.

Ito ay sina Gabe Jessop at Ambyr Bambyr, ay mga propesyonal na stunt nagkita sa isang set ng pelikula noong 2019.

Kung saan matapos ang kanilang wedding celebration, habang suot ang kanilang damit pangkasal.

Lumabas sila at bigla nalang  lumiyab ang bouquet ng bride at ang kanilang suot habang kaswal na naglalakad sa magkabilang gilid ng kanilang mga bisitang gulat din na nasaksihan.

Makatapos ang ilang sandal ng paglalakad ay lumuhod ang mag-asawa at mabilis na kumilos ang dalawang taong may fire extinguishers para maapula ang apoy sa damit nila.

Ang kanilang naging stunt ay nagtamo ng samo’t saring reaksyon at kumento mula sa mga nakasaksi nito at nakapanood ng nasabing bidyo.

Ngunit para sa seguridad at kaligtasan, huwag tularan ang ganitong pakulo sapagkat mapanganib, tanging mga propesiyonal lamang ang maykakayanan at maaaring gumawa nito. ### MITZI LOMERIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *