Apela ng mga alkalde na maparami ang mga bakuna sa labas ng NCR+8, inendorso ni Galvez

Inendorso ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ang request ng League of Cities of the Philippines na maisama ang iba pang high-risk areas sa mga priority recipients ng COVID-19 vaccines.

Sa sulat ni Galvez kay LCP national president at Bacolod City Mayor Evelio Leonardia ay sinabi niya na inendorso na niya ang naturang request sa National Vaccine Operations Center upang ito ay ma-evaluate at maaksyunan na.

Naniniwala si Galvez na kinakailangan na mabakunahan ang mas marami pang segments ng populasyon para lalong mapigilan ang pagtaas ng mga kaso.

Tiniyak naman ni Galvez ka Leonardia na mabibigyan ng sapat na doses ang mga LGUs para mabakunahan ang 100% ng adult population ng Bacolod, at ipapamahagi ang mga bakuna na naayon sa batas.

Kamakailan ay nakatanggap ang Bacolod ng 17,000 Sinovac doses mula sa Department of Health.

Leave a Reply

Your email address will not be published.