Arestado ang isang lalaking may tatlong kaso ng panghahalay sa bayan ng Labo, Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Yan ay matapos magsagawa ng manhunt Charlie operation ang kapulisan ng Labo MPS kung saan naaresto ang suspek nito lamang Mayo 22, 2023 bandang alas 10:12 ng umaga sa barangay Malasugui sa nasabing bayan

Ang akusado ay kinilalang si alias ED, 58 anyos, isang magsasaka, at residente sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Inaresto si ED sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong three (3) counts of Rape in relation to RA 7610 kung saan ang nabanggit na kaso ay walang nakalaang piyansa.

Ayon sa ulat, nakasuhan ang akusado sa tatlong beses na panggagahasa sa sarili mismo nitong anak na dalagita na edad katorse at ito ay naganap  sa magkakaibang lugar at buwan noong taong 2013 sa bayan ng Labo.

Samantala, ang nabanggit na personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *