Babaeng bumisita sa isang museo, kamukha ang babaeng nasa isang portrait?

Naniniwala ka ba sa reincarnation?

Isang kuwento kasi kamakailan ang usap-usapan dahil sa pangyayari sa isang national museum na mistulang hindi maipaliwanag kung bakit tila magkamukha ang isang babaeng bumisita rito at ang larawan na nakaukit sa isang portrait.

Alam naman natin na may mga bagay at pangyayari talaga sa ating buhay na mistulang nangyari na, ngunit, hindi natin maunawaan kung kalian, saan at kung isa nga bang imahinasyon lamang.

Subalit, sa isang kuwento ng isang netizen na si Veronica, tila namangha ang publiko dahil sa hawig na hawig ang babae sa pigura ng nasa larawan.

Noong una ay napansin na umano ito ni Veronica na parang kahawig niya ngunit pabiro lamang umano ito at nag-picture pa nga siya rito.

Sa dinami-rami umano na puwedeng mapuntahan sa nasabing museo bakit du’n pa umano siya napadpad.

Napaisip rin umano siya na pangalawang buhay nga ba ito at iniisip din ng iba na talagang ito’y mistulang isang reincarnation.

Sa ngayon, patuloy pa din na namamangha ang mga netizen online dahil sa kamukhang-kamukha talaga ni Veronica ang babaeng nasa larawan.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *