6 kaso ng online sexual abuse naitala na sa Camarines Sur ngayong Enero 2024

CAMARINES SUR – Unang buwan pa lamang ng taong 2024 ngunit anim na kaso na agad ng online sexual abuse ang naitala sa probinsya ng Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Pcapt. Angelo Babagay Jr., hepe ng PNP Camarines Sur Cybercrime Unit. Ayon kay Babagay, maaari pa itong dumami lalo na ngayon na papalapit na ang Pebrero kung saan ipagdiriwang ang araw ng mga puso. Aniya, hindi lang ang mga kabataan ang nabibiktima nito maging ang mga may edad na rin partikular yung mga mag-isa na lang sa buhay.

Madalas itong nakukuha sa mga dating apps kung saan samu’t saring tao ang kanilang nakikilala. Paalala ni Babagay, iwasan ang pakikipag-usap sa mga hindi naman kilalang tao lalo na sa online dahil hindi natin alam kung lehitimong tao ba ang ating nakakausap.

Matatandaan na nagpalabas ng pahayag si Cybercrime Investigation and Coordinating Center Deputy Executive Director Mary Rose E. Magsaysay na Top 1 ang Pilipinas sa buong mundo na may pinakamataas na bilang pagdating sa online sexual abuse.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *