Babaeng natagpuang patay sa national hiway ng bayan ng dos, kinilala na!

NATUKOY na ang pagkakakilanlan ng bangkay ng babaeng natagpuan kaninang umaga sa national highway ng Barangay Taviran, Datu Odin Sisnuat, Maguindanao.

Mismo ang mga kaanak ng biktima ang kumilala sa kanya at ito ay si Honey Abdul Kadatuan, may asawa at residente ng Rosales Street, Rosary Heights 6, Cotabato City.

Sa panayam ng BRIGADA News FM Cotabato kay PSSg Datu Jhemin A Untong, unang tumanggap ng ulat ang himpilan ng pulisya sa bayan matapos matagpuan ang bangkay ng biktima kaninang madaling araw.

Sa kanilang pagsasagawa ng imbestigasyon ay nagtamo ng tama ng pinaniniwalaang mula sa 45 caliber pistol ang mukha at ilang bahagi ng katawan ng biktima

Hindi pa matukoy ng mga ito gayundin ang kanyang mga kaanak kung sino ang posibleng may gawa sa pagpatay kay Kadatuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *