AKB partylist, suportado ang mga programa ng bagong administrasyon

LEGAZPI CITY -Kinumpirma ng Ako Bicol Partylist na susuportahan nila ang mga programang ilalatag ng bagong uupo na administrasyon ng bansa.

Ayon kay Congressman Atty. Jil Bongalon, 2nd nominee ng AKB Partylist, lahat ng nais ng administrasyon ang kanilang susuportahan basta sa ikakaunlad ng bansa.

Aniya, tapos na ang election, wala nang dapat tinitingnan na kulay politika, panahon na umanong magtulungan at magkaisa para sa mga pinaplano na advocacy programs ng Pangulo ng bansa.

Binigyan diin pa nito, walang dahilan para komuntra ang mga myembro ng kongreso kung ito naman ay ikakabuti ng bansa at mapapakinabangan ng mga mamamayang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published.