Bagong COVID-19 variant na nadiskubre sa South Africa tatawaging “Omicron”

Pormal nang pinangalanan ng mga health experts ang bagong variant ng COVID-19 na nadiskubre sa South Africa na “Omicron”.

Sinabi ni Professor Anne von Gottberg ng National Institute for Communicable Diseases sa Johannesburg na karamihan sa mga virus ay nasa 5 hanggang 10 spike ang mutations pero kakaiba itong Omicron dahil inaabot ito ng 25 hanggang 32 spikes.

Ayon kay Gottberg, kapansin-pansin na hindi karaniwan ang mutation ng Omicron na hindi nakita sa mga naunang variants ng COVID-19.

Aminado naman si Gottenburg na hindi pa nila matukoy ang buong characteristics ng bagong variant dahil kailangan pa nilang pag-aralan ito nang husto.

Samantala, dahil sa pangamba sa bagong tuklas na variant, ilang mga bansa ang nag-ban ng biyahe sa South Africa at iba pang bansa tulad ng Borswana, Zimbabwe, Namibia, Lesotho, Eswatini, Mozambique at Malawi kabilang ang America, Canada, European Union Nations, Switzerland, UK at Singapore

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *