Bagong SRA board, nagpatupad ng mga pagbabago sa workflow

Inihayag ng mga board members ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na nagpatupad sila ng mga pagbabago upang mapaganda ang kanilang workflow, matapos maharap sa mga kontrobersiya kaugnay sa sugar importation noong nakaraang taon.

Ayon kay SRA board member Pablo Luiz Azcona, na kumakatawan para sa mga planters, na ang workload ay hinati-hati sa kanilang tatlo, at magtutulungan umano sila bilang isang team.

Maliban kay Azcona, ang iba pang miyembro ng bagong board ay sina Administrator David John Thaddeus Alba, at Mitzi Mangwag, na kumakatawan para sa millers.

Pinalitan ng mga ito sina Hermenegildo Serafica, Roland Beltran, at Aurelio Gerardo Valderrama Jr. na umalis sa kanilang pwesto kasunod ng kontrobersiyal na order para sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal noong August 2022.

Dagdag ni Azcona, na ang mga board members ngayon ay mangangasawi sa iba’t-ibang komite, depende sa sektor na kanilang kinatawanan, na kinabibilangan ng research and development, mill district development councils, at organizational block farms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *