Bahagi ng Bajo de Masinloc nasira dahil umano sa paggamit ng cyanide

Nasira na ang isang bahagi ng Bajo de Masinloc dahil umano sa paggamit ng cyanide ng ilang banyagang mangingisda.

Ang cyanide ay isang uri ng napakatapang na lason na ginagamit umano ng ilang mangingisdang Tsino sa lugar.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources  Nazario Briguera nakuha nila ang impormasyon mula rin sa mangingisdang Pilipino.

Isa ang Bajo de Masinloc sa tradisyunal na pangisdaan ng mga Pilipino sa West Philippine Sea.

Bukod sa mga isda tahanan din ito ng corals at iba pang yamang dagat.

Sa tansya ng mga opisyal maaaring umabot ang pinsala ng bilyong piso dulot ng nasabing lason.

Sinabi ni Briguera na hindi lamang umano limitado ang sira sa bahura dahil maaaring anurin ang lason sa ibang parte ng karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *