Baltimore Bridge sa Amerika, gumuho

Naglabas na si Mayor Brandon M. Scott ng Executive Order na nagdedeklara ng State of Emergency sa Baltimore City.

Ito’y matapos bumangga ang isang container ship sa Francis Scott Key Bridge sa US port ng Baltimore, na naging sanhi ng pagguho nito at nagdala ng mga ialng sasakyan at indibidwal sa Patapsco River.

Agad namang na-rescue ang dalawang survivors, na isa sa kanila ay nasa malubha ang kondisyon.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang search and resuce operations sa Patapsco River sa mga apektadong indibidwal sa pagguho ng mahigit tatlong kilometrong tulay.

Ayon sa mga opisyal ng Baltimore, hindi bababa sa pitong sasakyan ang bumulusok sa tubig ngunit hindi makapagbigay ng eksaktong bilang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *