Bangkang pangisda mula sa Jose Panganiban tumaob sa karagatang sakop ng Mercedes, siyam na mangingisda nasagip

CAMARINES NORTE- Nasagip ang siyam na mangingisda mula sa Jose Panganiban, Camarines Norte matapos na tumaob ang kanilang bangka sa karagatang sakop ng Mercedes kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasagip na mangingisda na sina Edgardo Dumas y Bacerdo 49, Rodrigo De Jesus y Alicio 34, Domingo Madera y Roldan 35, Vicente Santos y Bonifacio 53, Jemson Sumalinog y Chitcherico 28, Jhon Evan Dumos y Sumalinog 25, Nesty Jerusalem 31, Jomar Balmaceda y Marquez 25 at Angelito Noynay 41, lahat residente ng Barangay Calero, Jose Panganiban.

Ayon sa ulat ng pulisya, habang ang mga nabanggit na personahe ay nangingisda sa karagatang sakop ng Mercedes ay tumaob ang kanilang bangka dahil sa lakas ng ulan at hangin.

Agad namang na rescue ang mga mangingisda ng mga tauhan ng Martime Police Station.

Nakipag ugnayan na rin ito  sa Jose Panganiban PNP para masundo ang mga nabanggit na mangingisda.

Noong nakalipas na dalawang araw ay naranasan sa lalawigan ang mga pag ulan.

Pero ayon sa Philippine Coast Guard, walang nakabanderang gale warning ng mga araw na iyon.

Samantala, nagbigay naman ng kaunting tulong ang mga kapulisan ng Jose Panganiban sa nasagip na mga mangingisda upang may maipantustos sa kanilang pamilya habang hindi pa nakakalaot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *