Bangkay ng 9-anyos na batang babae natagpuan sa ilog

Wala nang buhay nang matagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang 9-anyos na batang babae sa bayan ng Brgy.  Vitali sa lungsod ng Zamboanga.

Sa report na inilabas ng Zamboanga City Police Station 1 Vitali ay natagpuang wala ng buhay alas 10:00 ng umaga ng Lunes ang bata na kinilala bilang Maria Demelyn Dela Cruz Fernandez ng mga residente na unang inakala nilang manika na nasa ilog.

Base sa pahayag ng pulisya, Linggo ng umaga nang magpaalam ito sa ina na pupuntahan niya ang kanyang mga kaibigan ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito nakauwi kaya naisipan nilang hanapin ang nasabing bata.

Agad naman na nag-report ang mga kaanak sa mga pulis.

Hinala nang pulisya, posibleng nahulog sa ilog ang bata at mabilis na inanod ng malakas na tubig.

Sa mismong araw  ay agad ding kinuha ng pamilya ang bangkay ng bata at dinala sa Vitali lying in clinic  para sa gagawing post mortem examination at nang maiuwi ito para mabigyan ng maayos na libing. Guen Delos Santos/ Edmond Tan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *