Bantag, hinamon ang mag nag aakusa sa kaniya na patunayan ang bintang na pananaksak sa 2 inmate ng NBP

Hinamon kahapon ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag  ang  mga nag-akusa sa kaniya na patunayan ang kanilang sinasabi na siya ang nagsaksak sa dalawang inmate ng New Bilibid Prison (NBP) noong nakaraang taon.

Sa isang text message, sinabi ni Bantag na sawa na umano itong sumagot sa samu’t saring akusasyon at sinabing patunayan na lamang ang bagong alegasyon laban sa kanya.

Ang mga bilanggo ng NBP na sina alyas Luis at alyas Rodel – na iniharap sa media noong Lunes – ay nagsabing sinaksak sila ni Bantag noong Pebrero nang siya ay lasing at galit tungkol sa isang jailbreak.

Inakusahan din si Bantag at iba pang opisyal ng BuCor ng plunder dahil sa umano’y kwestyunableng pagpapalabas ng pondo para sa pagpapatayo ng mga pasilidad ng ahensya.

Higit pa rito, kasalukuyang nahaharap sa mga reklamo sa pagpatay ang nasuspindeng prisons chief matapos siyang ituring na utak sa likod ng pagpatay sa broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa noong Oktubre, gayundin sa isang Bilibid inmate na pinaniniwalaang “middleman” sa balak na patayin ang mamamahayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *