Barangay Cambulaga, magpapasaklolo sa City-LGU para sa mga residenteng apektado ang kabuhayan dahil sa red tide

SORSOGON CITY – Bukod sa paggamit ng kanilang calamity fund, plano din ng Barangay Cambulaga na humingi ng tulong sa City Government upang maayudahan ang kanilang mga residenteng apektado ng red tide ang kabuhayan.

Sa pahayag ni ABC president at Cambulaga Barangay Chairman Ma. Theresa Perdigon, sinabi nito na hakbang ito upang mabigyan ng kahit kaunting ayuda ang mga apektadong pamilya na may kaugnayan sa shellfish ang pinagkakakitaan kung saan ang bilang nito ay halos umabot sa 50 porsyento.

Kaugnay nito, tiwala ang opisyal na ang kanilang kahilingan ay pagbibigyan ng City-LGU, upang kahit papaano ay maibsan ang krisis na kinakaharap ng ilan sa kanilang mga residente na ang kabuhayan ay nakaasa sa mga lamang-dagat tulad ng tahong, badoy, baloko at iba pa.

Matatandaan na una nang inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-Bicol) na wala pang kasiguruhan kung mayroong matatanggap na ayuda mula sa kanilang ahensya ang mga apektado ng red tide lalo na at prayoridad nila sa kasalukuyan ang pagbibigay ng tulong sa iba pang mga rehistradong fisherfolks sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na hindi pa nabibigyan ng P5K cash assistance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *