Barangay Chairman na NPA, arestado sa Masbate

Arestado ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na wanted sa mga kasong murder at attempted murder sa Ibanez St., Brgy Kalipay, Masbate City.

Kinilala ang akusado na si Benidicto Andojar Cesar, 51-anyos, may asawa, Punong Barangay ng Buenasuerte, Pio V Corpus at miyembro umano ng L2, KP4 sa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson alias Manong, commander ng nasabing Larangan.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 49, Cataingan, Masbate sa mga kasong 2 counts of murder na walang itinakdang piyansa at 4 counts of attempted murder na may P120K na piyansa.

Ang pagkahuli ng miyembro ng NPA na may pananagutan sa batas ay patunay na ang Masbate PNP ay masigasig sa kampanya nito laban sa  insurhensiya at kriminalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *