Bataan, may pabigas sa mga makikiisa sa national vaccination drive

Magbibigay ng bigas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa mga mamamayan nito na makikiisa sa National Vaccination Drive o tatlong araw na bayanihan, bakunahan ng Department of Health o DOH.

Ito ay bilang maagang pamasko ng pamahalaang panlalawigan sa mga makikibahagi sa tatlong araw na bayanihan, bakunahan mula Nov. 29 hanggang Dec. 1.

Sa mga nasabing araw ay bibigyan ng tig-5 kilong bigas ang bawat magpapabakuna sa una at karagdagang 5-kilo sa susunod na ikalawang dose.

Layon nito na mas lalong mapabilis na maabot ang herd immunity at tuluyang makabangon na ang maraming Bataeñong labis na naapektuhan ng pandemya.

Samantala, as of November 22, 2021 update ay nasa 178 active cases na lamang ng covid-19 ang naitala ng Bataan Provincial Health Office.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Abet Garcia

May be an image of dessert and text that says 'Power Fact Did you know that Garlic was given to those who built the pyramids in Egypt? This was to enhance their physical strength and endurance. Power Cells HERBAL CAPSULE Tuldukan ang Sakit! Û.a- www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *