Batangueña, Top 1 ng PNPA Layag-Diwa Class 2024

Mula sa mahigit 200 kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Layag-Diwa” Class of 2024, nasungkit ng isang babae ang Top 1.

Ito’y sa katauhan ni Police Cadet Ma. Camille Cabasis mula sa Lian, Batangas.

Nakatakda siyang tumanggap ng Presidential Kampilan Academic Award bilang class valedictorian sa PNPA graduation ceremony sa bukas.

Bago pa man pumasok sa PNPA, si Cabasis ay nagtapos ng Cum laude sa kurson Bachelor of Science in Criminology sa Batangas State University; at topnotcher sa Calabarzon sa 2019 Board Exam.

Siya ay naging miyembro din ng Reserve Officer Training Corps (ROTC) habang nagsisikap na working-student sa kolehiyo.

Ang ika-45th PNPA Commencement Exercises na gaganapin bukas sa Camp General Mariano sa Castañeda, Silang, Cavite ay nakatakdang pangunahan ni Pangulong. Ferdinand Marcos Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *