Bayan, nanindigang tuloy ang kanilang mga isasagawang rally sa SONA

Tinawag na ‘overkill’ ni Bayan secretary general Nato Reyes ang bilang ng mga kapulisan at force multipliers na idedeploy para sa seguridad sa unang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes.

Ayon kay Reyes, tila labis-labis naman daw ata ang mga personnel na itatalaga.

Kasabay nito, muling tiniyak ni Reyes na magiging payapa ang mga idaraos nilang kilos-protesta o ‘yung tinatawag nilang ‘counter-SONA’.

Bagamat mayroong panawagan ang Philippine National Police na ‘makinig na lang sila’ sa mga ilalahad na prgrama ng Marcos administration – nanindigan si Reyes na kinakailangan pa ring marinig ang sentimyento ng mga ordinaryong mamamayan.

Sa ngayon aniya, hinihintay pa rin nila ang approval mula sa LGU ng Quezon City para sa inapply nilang permit para makapag-rally sa kahabaan ng Batasan Road.

Una kasing sinabi ng PNP na papayagan lamang silang makapag-programa sa mga freedom parks kagaya na lamang ng Quezon City Memorial Circle.

Binatikos naman ito ni Reyes dahil masiyado itong malayo sa Batasang Pambansa.

Aniya, mula nang maging aktibista siya, hindi naman nauuwi sa gulo ang mga idinaraos na rally sa Batasan Road lalo na noong 2016 at 2017.

Matatandaang noong 2016 ay naging historic ang rally kasabay ng SONA ni dating pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay pinayagan silang makalapit sa Complex.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *