Spotify, ginagamit umano sa NPA recruitment?

Isiniwalat ng isang dating rebelde na ginagamit na rin umano ng New People’s Army ang iba pang mga online media platforms para sila ay makapanghikayat na sumapi sa kanilang samahan.

Ito ay matapos ang order ng National Telecommunications Commission na ipasara ang ilang mga websites at mga independent media otulets na ‘di umano ay mga konektado sa mga rebeldeng grupo.

Sa isang panayam, sianbi ni Joy James Saguino, dating NPA leader at ngayo’y anti-rebel advocate na ‘di umano ay pina-eexplore sa kanila ang ilang mga online platforms para makapang-recruit.

Kabilang na aniya rito ang music and podcast streaming platform na Spotify.

Aniya, gumagawa raw ang CPP-NPA linked groups ng ilang mga podcasts para makapagpakalat ng mga propaganda.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang platform na Spotify hinggil sa akusasyon na ito.

Una nang binatikos ng mga press freedom advocates ang pagpapasara sa ilang alternative and independent media outfits dahil sa pangambang tinatapakan nito ang karapatan sa malayang pamamahayag.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *