Unang SONA Marcos, magiging simple lang ayon sa House officials

‘Make SONA simple’

Ito umano ang naging bilin ni Pangulong Bongbong Marcos sa kauna-unahan nitong State of the Nation Adress sa Lunes.

Sa isang panayam, sinabi ni House Secretary General Dong Mendoza na magiging simple lamang ang programa para sa SONA ni Marcos at payak lang din ang magiging mensahe nito sa publiko.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang paglilinis at pagsasaayos sa iba’t ibang bahagi ng gusali sa Batasang Pambansa complex.

Muli namang nagpaalala si Mendoza na mula ngayong araw ay isasailalim na sa partial lockdown ang Kamara at full-lockdown implementation naman ang ipatutupad simula sa Huwebes.

Dahil higit sa 1,300 ang mga inie-expect na dadalo sa SONA, tiniyak din ni Mendoza na masusunod pa rina ng health protocols at hindi magdidikit-dikit ang mga bisita.

Sa araw ng Lunes – alas-dose ng tanghali ay hindi na papayagang magpapasok sa Kamara para masigurong alas-dos ng hapon ay nakaupo na lahat ng mga bisita.

Alas-kuwatro ng hapon ay nakatakdang mag-umpisa ang programa para sa SONA bago naman ang pormal na pagbubukas ng 19th Congress.

Una nang kinumpirma na magdi-direk ng SONA ay ang supporter nitong filmaker na si Paul Soriano, habang isa namang artist mula sa Ilocos ang aawit ng Lupang Hinirang.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *